Tuesday, September 24, 2013

The Story of Pichi Pichi



Ever heard of a story wherein the heading isn't particularly describing its periphery, but it serves as the bridge to know where it all started? If not, check this one.

I should not continue writing this entry since I've already put a period with my "love on purpose" stamp, and I should really stop giving so much attention on this. When I say stop, literally, stop! But I've decided to have a little diary again about this one. I just don't know how to release all the "kilig" and the momentum of my feelings because I can't tell it to my closest friends one by one, I mean before I make it to the last person, I am dehydrated and it would sound like scripted, and I really have to share it, I can't afford to lose my self-control if I just nourished this alone, so I gues, creating this entry will do.


Alright! Tagalog or English? 
As usual, you can really feel the momentum in Tagalog since I am a Filipino.

September 24, 2013 and there's a Food Exhibit at College of Home Economics, both FPE and HRM participate and they really offer nice delicacies. Actually, di naman boring, mas boring yung nakaraang nutrition week, walang E-X-C-I-T-E-M-E-N-T. 

Around 11AM, bumalik kami ng school galing labas. I'm with some girl-friends, ng mapansin namin na medyo nagsikip na sa tarangkahan ng CHE. Ang daming tao, nagkakagulo, yun pala open na yung mga booth ng different participating students. May bumibili na ng ticket, nagpapareserve at blah blah. Basta nagsikip ang daloy ng trapiko ng mga estudyante at di ko alam kung ano'ng nakakatawa sa pagpaparegister. May pangkiliti yata yung ballpen na hawak nila o talagang mahaharot lang sila. Nang malapit na kami sa registration table, nakita ko siya, si ano, si Mica. We're not heading there for a registration pero nasa gilid kasi yung daan papuntang building namin, so madadaanan talaga namin sila. Nagse-sales talk si Mica, nanghihikayat na bumili sa booth nila. Gulat ako! Kung tatanungin mo kung pano'ng gulat, wag na! Di ko rin marere-enact kasi virtually tayo nag-uusap. Basta nagulat, yung nanlaki mata mo at sabay atras. Kasama ko si bestfriend Marj maglakad, habang nakalampas na dun yung iba pa naming kasama.


Me: Ay p*ta**i**!!! Si Mica! Bestfriend atras muna tayo!!
Marj: Teka! Sila Queenie.
Me: Nandun na yun. Wait lang, di ako makakadaan. Contained na ko!
Marj: Tara na! Kunwari di mo na lang napansin.

Hindi!! Di naman talaga yan nasa isip ko during that time. Kasi ganito yan. Pag liko namin sa tarangkahan, bumungad na agad siya sa'min pero di niya ko napansin kasi may pinipilit siyang lalake na bumili sa kanila. Yes! Kailangan lalake lapitan niya kasi dun tatalab ang charm niya. Sino ba naman kasing lalake ang hihindi pag pinakiusapan ka na niya? Kulang na lang pakyawin mo yung product sa booth nila dahil sa kanya. Feeling ko nga siya talaga inassign mag invite ng consumers kasi alam nila na pag si Mica na kumarinyo brutal sa mga estudyante, kasama na ko, ay naku! Mabilis pa sa alas-kwatro ubos na tinda nila. 
Going back, ayun na nga, umatras kami, kasi kinakabahan din ako at may gusto kong mangyari. Alam naming nangiinvite siya kaya inintay naming mawala yung nakaharang sa daan, sabay lakad kami ni Marj papalapit sa kanya para maharang din kami at magplead siya. Saktong paglapit ko napatingin siya sakin at ayan na!!!!!


Mica: Uy!! :)
Me: Uy! :)
Mica: Bili ka naman sa'min.
Me: Sa booth ninyo? Ano ba tinda ninyo?
Mica: Basta! Bili ka na please, bili na kayo nung kasama mo.
Me: Magkano ba yan?
Mica: Wait! May ticket ka na ba? May stub ka na?
Me: Uhmm, wala pa yata?
Marj: Ako meron na bestfriend
Me: San mo nakuha yan?
Marj: Binigyan kami kanina, 10 pesos lang.
Me: Ah, eh mura lang. Ayos ah!

Siyempre masaya ko kasi nilapitan ako at inaya niya ko. Medyo ambisyoso pero pwede na din yun, kahit hindi patungkol sa mga pangarap ko for us, at least, dahil lang sa tinda nila, nag please siya sa'kin at bilang ako'y dakilang inlove talaga, sige lang ako. Go lang ng go sabi nga ng globe.


 PWEDENG MAGMURA? EH P*T*NGI**!! KUKUHA LANG KAMI NG MINION STUB KAILANGAN TALAGANG HAWAKAN YUNG FORCEP KO?! PWEDE NA KONG MAMATAY, AS IN MISSION ACCOMPLISHED NA KO NUN EH!! HAHAHA.

Ang tanging gusto ko lang ay batiin niya ko pero yung may kasamang hawa ng kamay at "please" ay! Heaven's with me lang kanina nasabi ko. Tama pala ang diskarte ko. Di sumablay, sumobra pa nga ang balik. Hahaha

Me: Magkano ba yung ticket?
Mica: Ayun! (sabay turo sa paper notice sa table, kung saan naka indicate yung prices. P1.00 per stub. P20.00 one pack of stub. P10.00 ticket. )
Me: Alin diyan?
Mica: Yung 20 na please!
Me: Wow! Mahal naman! (wala sa loob ko ang gumastos kasi ako ang pinaka kuripot sa klase)
Mica: Sige na please, minsan lang to saka tulong mo na sa'min.
Me: O sige na nga, twenty pesos lang naman pala! Kukunin ko yan (nawala sa loob ko yung pagkakuripot ko kasi siya na nakiusap at handa akong gumastos kahit 100 pesos pa yun just for her)
Marj: Napasubo ka bestfriend
Me: Oo nga eh pero okay lang, as in super okay lang! Siya naman 'to eh, at para sa kanya :)
Marj: kinikilig ka ha!
Me: Sino bang hindi? Di ko 'to expect saka jusko!! Hinawakan pa ko sa kamay :">
Marj: ayiiiieee!!!


Oo! Yung focus ko nasa point na yun kung saan hinawakan niya ko sa braso at kamay. I didn't really expect that. Naiwan si Marj malapit sa table kasi binibigyan yata siya ng stub. Samantalang nakuha na namin yung isang pack ng stub, binigay sa'kin ni Mica. Nakatayo ako kasi iniintay ko si Marj pero bigla ulit ako'ng hinawakan ni Mica sa braso ko at hinatak, akala niya kasi nawala na si Marj, kaya wag ninyong iisipin na kabastusan yung ginawa niyang biglang paghatak sa'kin, saka ineenjoy ko naman ang moment namin. Another gulat! Woooohhh!!

Nung mga oras na yun nagpapahatak talaga ko sa kanya. Pag dating sa mga sitwasyong ganito, nagiging mautak talaga ko, nakakaisip ako ng paraan para mamaximize yung oras at maging worth it for us.
Sa isip ko: "Sige lang, hatakin mo pa ko, magpapahatak ako. Lulubusin ko tong mga sandaling to, kunwari hinahatak mo ko kasi magkadate tayo. Hala! Hatak pa Mica"  

Habang hatak niya ko, di ko pansin yung mga tao, basta ang nakikita ko lang, siya, yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko at ako na mukhang tanga sa pagkakangiti ko na abot-tenga. Hanggang sa nakarating kami sa booth nila, kasunod si Marj.

Mica: Bilin mo na 'to
Me: Ano yan?
Mica: Pichi pichi.
Me: Magkano naman yan?
Mica: 20 lang, yung hawak mong stub na isang pack yung katumbas.
Me: Eh masarap naman ba yan?
Mica: Oo naman, promise, please!
Me: Oh sige, I'll get that, pag to di masarap ibabalik ko ha
Mica: Di yan, masarap yan. Promise (sabay taas ng left hand)
Me: Joke lang. Alam kong masarap to. Favorite ko to (dudugtungan ko sana ng. "Masarap to kasi ikaw nagbigay sakin")
Mica: Yes! Thank you :)

Eh bigla kaming nagulat kasi yung mga tao sa loob nag "AYYYIIIEEEE". Bakit? May ano? Bumili lang naman ako ng pichi pichi ha? Haha


Ang pichi pichi, haaaay! DFi ko naman talaga favorite. Kinailangan ko lang sabihin para kahit papano may tuwa ng kaunti. Kailangan ko talagang gumawa ng mga bagay bagay para sa kanya.

Anyway, nag enjoy ako. Sobra ko'ng naaliw and that made my day. Masarap din yung pichi pichi, di siya nagsisinungaling. May custard kasi. And kung di man masarap, kakainin ko pa rin kasi galing sa kanya. 


Pangako ko, di ko itatapon yung box ng pichi pichi na ito. Itatago ko lang 'to. At dito nagmula ang title ng entry na 'to, dulot ng dakilang PICHI PICHI :D



Sorry if it ended up in the house like this. I put it inside my bag and being careless carrying it, I assumed it was tapped and rolled inside.







Now Playing : Today my life begins - Bruno Mars
: Pichi Pichi
: Migs Lorenzana 
                 




No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

People Coming